7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

PRRD NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG BONIFACIO DAY

5 months ago | Local Politics News | 0 comments

By Xai Reyes

Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita sa ika-157 taong kaarawan ng bayaning si Gat Andres Bonifacio.

Sa taped message ng pangulo sinabi nito na kasama siya ng mga Pilipino sa pag-alaala sa iniwang legacy ni Bonifacio na nagsilbing pundasyon ng ating Republika.

Sinabi ng Pangulo na mas dapat pag-alabin ng bawat isa ang pagmamahal sa bayan, pangalagaan ang karapatan upang mapagtagumpayan ang hamong kinakaharap ng bayan kabilang na ang nararanasang pandemya.

Nawa ayon sa Pangulo ay matapang na harapin at malampasan ng mga Pilipino ang mga hamong kinakaharap sa kasalukuyan patungo sa mas magandang bukas.

Kaugnay nito’y nakikiisa din ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa paggunita ng ika-157 taong kaarawan ni Bonifacio.

Sa mensahe ni PCOO Secretary Martin Andanar, inihayag nitong magsilbing inspirasyon sana ng lahat ng mga Pilipino ang katapangang ipinakita ni Bonifacio na nakapukaw sa ating mga ninuno upang mas lalong nasain ang inasam-asam na kalayaan.

Sinabi ni Andanar na sa gitna ng mga hamong kinakaharap gaya ng kahirapan, insurgency, terorismo, korapsyon, iligal na droga, at pandemya ay mabuting humugot ng lakas sa katapangang ipinamalas ng ating mga bayani gaya ni Andres Bonifacio.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media