
PSYCHOLOGICAL TEST SA PAG-IINGAT NG BARIL DAPAT REPASUHIN
Pinakokonsidera ni Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano, ang pagrepaso sa psychological test sa pag-iingat ng baril.
Kaugnay pa rin ito ng insidente ng pamamaril at pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.
Diin ni Cayetano, nag-ugat ang insidente sa init ng ulo kaya kailangan masala muna ng mabuti ang indibidwal, kung nararapat nga ba ito na magbitbit ng baril unipormado man o hindi.
Para makakuha ng lisensya sa pagmamayari ng baril, ay kinakailangan ng neuro-psychiatric clearance mula sa Philippine National Police (PNP) Health Service o mula sa ano mang Department of Health (DOH)-accredited hospital.
Ipinunto naman ni DIWA Partylist Representative Michael Edgar Aglipay, na hindi na dapat tanggapin ng PNP sa serbisyo ang sino man na mapatutunayang may uncontrollable violent tendencies.
Bilang anak ni dating PNP Chief Edgar Aglipay, dismayado ang kinatawan sa naging aksyon ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, dahil nadungisan umano nito ang isa sanang marangal at iginagalang na propesyon.
0 Comments