7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

PULIS SA CABUYAO LAGUNA, PATAY SA PAMAMARIL

1 month ago | Local | 0 comments

By Bong Garabot

Isang pulis ang nasawi matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Cabuyao, Laguna Huwebes ng umaga.

Habang sakay at nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa Yulo Road sa Barangay Pitland bandang alas-9:40 ng umaga, kahit suot nito ang kanyang uniporme ay binaril pa rin ang biktimang nakilala na si Police Staff Sergeant Christian Ramos.

Nakasakay din umano ng motorsiklo ang salarin, ayon sa ulat ng Cabuyao City Police.

Habang narekober naman ang 6 na basyo ng bala ng 9mm at tatlong basyo mula sa kalibre .45, napagalaman na nagtamo ng tama ng bala sa mukha, ulo at dibdib ang biktima.

Sinasabing pauwi na si Ramos sa Calaca, Batangas mula sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna kung saan siya nakadestino ng mangyari ang insidente.

Sa kasalukuyan ay naka-assign si Ramos sa Regional Personnel Holding and Accounting Section ng Calabarzon Police.

Ayon sa pulisya, nag-AWOL si Ramos sa dating poste nito sa Batangas mula Agosto 2020. Na-reinstate siya nitong Disyembre at nailipat sa RPHAS.

Bukod dito, may kinakaharap umanong administrative case ang biktima para sa grave neglect of duty at sa apat na buwang pagiging AWOL niya.

Patuloy pang iniimbestigahan ang motibo sa pamamaril.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media