
RAPID TEST KIT NA NAGAMIT NA, NAGKALAT SA KALSADA SA SAMPALOC, MANILA
Daan-daang mga gamit na rapid test kit ang nagkalat mula trabaho market hanggang kanto ng España sa Manila.
Ayon kay Barangay 452 SK Chairman Karl Gonza, nagulat ang mga residente nang makita ang mga nakakalat na rapid test kit.
Noong una umano ay inakala pa nilang pregnancy test kit ang mga ito subalit nang kanilang nilapitan ay nagulat sila na mga rapid test kit pala ang mga ito.
Ayon sa delivery rider na si Lester mangalindan, napansin niyang may nalalaglag mula sa mga sako ng basura na lulan ng isang sidecar.
Nangamba ang mga residente sa posibilidad na may positibo sa COVID-19 ang mga rapid test kit.
Agad itong winalis ng barangay officials matapos makatanggap ng tawag mula sa Department of Public Services o DPS. Tumulong din sa paglilinis ang service crew ng isang fastfood sa lugar.
0 Comments