
SA GITNA NG COVID-19 PANDEMIC, THEA TOLENTINO NAKARANAS NG ANXIETY
Nakaranas ng anxiety ang actress na si Thea Tolentino sa gitna ng COVID-19 pandemic subalit napapaglabanan naman niya ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan at ex-boyfriend na si Mikoy Morales.
Ayon kay Thea hindi naging madali ang epekto ng pandemya sa kanyang kaisipan.
Napatunayan daw niya na kailangang pangalagaan ang mental health sa panahon ngayon.
“Mostly nahirapan ako with my mental health ngayong quarantine. In anxiety ako, nanibago po ako sa environment ko kasi ang tagal ko na po ‘di nakakapag-stay ng ilang buwan sa bahay namin mismo,” pahayag ni Thea.
Para makayanan ang anxiety, sinabi ni Thea na pinagkakaabalahan niya ang pag-aalaga sa bago niyang alagang pusa, at painting.
Isa raw si Mikoy sa mga kaibigang kinakausap niya para mabawasan ang kaniyang stress.
0 Comments