
SA GITNA NG LINDOL, LOCAL NEWS HOST SA GENSAN, KALMADONG NAGBALITA
Kalmading nagbigay ng ulat ang local TV host na si Dryll Bartolaba kaugnay ng malakas na lindol na tumama sa kanilang lugar.
Kalmado at huwag magpanic. Ito ang payo ng television host sa General Santos City sa gitna ng malakas na lindol.
Bagamat ramdam ang pagyanig ay naka-focus padin ang tv host sa pagbabalita.
Sa video na ibinahagi ng Brigada News Davao sa kanilang Facebook page, makikitang nakapokus pa rin ang host nitong si Dryll Bartolaba sa pagbabalita sa nagaganap na lindol noon.
“Nakakaranas po tayo ngayon ng lindol. May pagyanig po ngayon. Aalamin natin sa ilang saglit lamang kung gaano ba kalakas ang lindol na ito at kung saan ang epicenter nito,” pagbabalita ni Bartolaba.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, tumama ang magnitude 6.2 na lindol sa alas-7:21 ng umaga may 86 kilometro timog-silangan ng Saranggani.
Naramdaman naman ang intensity V sa General Santos City.
Sa lakas ng lindol, makikita rin sa video ang paggalaw ng halamang may Christmas decorations sa tabi ng upuan ni Bartolaba.
“Sa sandaling ito may paglindol pa rin, paggalaw pa ring ng lupa tayong nararamdaman sa ngayon,” sabi niya.
Nagpaalala rin si Bartolaba sa mga payo ng disaster agencies na maging kalmado at wag mag panic pag may lindol at sundin ang duck, cover, and hold.
0 Comments