
SECURITY PROGRAM LABAN SA BIOLOGICAL AT NUCLEAR THREATS, IMINUNGKAHI SA KONGRESO
Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na layong ihanda ng bansa mula sa
chemical, biological, radiological, and nuclear o CBRN threat.
Sa ilalim ng House Bill 4458 ni Deputy Speaker at 1PACMAN partylist Representative Mikee Romero, ay pinaglalatag ang pamahalaan ng isang security program mula sa banta ng CBRN.
Punto ni Romero, isang hamon ang paglaganap ng CBRN materials and weapons sa buong mundo ngunit dahil sa pagiging archipelago ng Pilipinas bukod pa sa malawak na coastline at maluwag na border ay higit na lantad ang bansa sa banta ng CBRN.
Bunsod nito ay itinutulak ni Romero ang pagkakaroon ng isang CBRN resiliency approach na pipigil, kokontra, reresponde, at mamamahala ng posibleng panganib ng paggamit ng CBRN sa publiko.
Bubuo rin ng isang CBRN Authority sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government na siyang mangunguna sa pagbuo ng mga polisiya, programa, istratehiya, at mga alituntunin para sa proteksyon ng publiko mula sa CBRN.
0 Comments