7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

SINGIL SA KURYENTE NG MERALCO , TATAAS NGAYONG OCTOBER

5 months ago | Metro | 0 comments

By Xai Reyes

Inanunsyo ngayong araw ng Manila Electric Company o MERALCO ang taas singil sa kuryente na ipatutupad ngayong October.

Base sa abiso nito, may dagdag ng P0.12 kada kilowatt hour sa overall rate ng mga customer, dahil na rin sa pagtaas ng generation charge.

Katumbas ito ng P24 na taas singil sa bill ng isang household consumer na kumokonsumo ng 200 kwh. Habang, P36 naman ang dagdag para sa kumokonsumo ng 300 kwh, P48 sa 400 kwh, at sa mga household na umaabot sa 500 kwh ang konsumo asahan ang dagdag na P60 sa electric bill.

Ito pa lamang ang unang beses na nagpatupad ng taas singil ang Meralco, mula noong buwan ng May.

Nauna na ring sinabi ng Meralco, na unti-unti nang tumataas ang electricity demand sa Luzon grid, na bunsod umano ng pagluwag ng quarantine restrictions.

Kasunod nito, ay tiniyak ng kumpanya na hindi pa ito mag-iisyu ng disconnection notice sa mga customer hanggang katapusan ng buwan.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media