
SITWASYON SA WEST PH SEA , NANATILING MANAGEABLE- LORENZANA
Iginiit ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na stable at manageable ang sitwasyon ngayon sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa Defense secretary, ang pinakamalaking banta na kinakaharap ng bansa ngayon ay ang communist insurgency at sumunod ang banta ng terorismo na kapwa nagpapatuloy pa rin sa bansa.
Pagdating naman sa external threat, sinabi ng kalihim na pinapangasiwaan na ito ng ating foreign affairs habang ang banta sa West Philippine Sea ay nananatiling stable.
Samantala, inamin naman ni Lorenzana na isa sa mga kahinaan ng ating militar ay ang kakulangan nito ng assets at mga kagamitan kabilang aniya dito ang mga course ships at aircrafts.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng Defense secretary na patuloy ang kanilangg mga hakbang para mapataas ang kapasidad ng ating militar.
Maliban dito, pinapalakas na rin aniya ng militar ang kanilang kakayahan para labanan ang mga cyber-attacks mula sa ibang mga bansa.
0 Comments