7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

‘SLAPSHOCK’ FRONTMAN NA SI VLADIMIR “JAMIR” GARCIA, NATAGPUANG PATAY SA LOOB NG KANYANG BAHAY SA QUEZON CITY

5 months ago | Local Entertainment News | 0 comments

By Xai Reyes

Pumanaw na sa edad na 42-anyos ang frontman ng “Slapshock” na si Vladimir “Jamir” Garcia.

Kinumpirma ni Quezon City Police District Talipapa Police Chief Lt. Colonel Christine Tabdi ang balita nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa ulat, nakita ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang banyo dakong 9:00 ng umaga .

Isinugod ito sa Metro North Hospital subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon upang bigyang linaw ang tunay na dahilan ng pakasawi ng biktima.

Matatandaang binuo noong 1997 ang Slapshock at naging isa sa mga bandang nagpasikat sa mga kantang “new metal” sa bansa. Kabilang sa mga sikat nilang kanta ang “Agent Orange,” “Ngayon Na,” “Langit,” “Anino Mo,” “Salamin,” at “Luha.”

Sa Twitter, pinalitan ng itim na kulay ang profile picture ng Slapshock, pagpapakita ng kanilang pagdadalamhati.

Kaagad namang nagpaabot ng pakikiramay ang mga tagahanga at maging ang ilang sikat at celebrity na mang-aawit sa pagpanaw ni Jamir.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media