7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

SPECIAL INVESTIGATION TASK GROUP SA PAGPATAY NG PINUNO NG IATF SA GUIHULNGAN, PINABUO NI PNP CHIEF SINAS

3 months ago | Local | 0 comments

By Xai Reyes

Pinatututukan na ni Philippine National Police Chief, PGen. Debold Sinas ang pagpaslang sa doktor na pinuno ng Inter-Agency Task Force sa Guihulngan City noong Martes.

Ayon sa Heneral, pinabuo niya ang isang Special Investigation Task Group para sa mablis na pagresolba sa pagpaslang kay Dr. Mary Rose Sancelan at mister nito.

Pauwi na ang biktima at mister na si Edwin nang pagbabarilin ang mga ito ng riding in tandem sa Carmenville Subdivision, pasado alas-singko ng hapon nitong Martes.

Naisugod pa sa ospital ang mga biktima kung saan idineklara silang dead on arrival.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 15 basyo ng cal. 45.

Una nang sinabi ng Karapatan Negros Island na nasa hitlist ng KAGUBAK, isang anti-communist vigilante group sa lalawigan si Sancelan.

Sinabi ni Sinas na inaasahan niya sa lalong madaling panahon ang resulta ng imbestigasyon ng Police Regional Office (PRO 7) sa insidente.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media