7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

TECHNICAL WORKING GROUP BINUO NG QC-LGU PARA SA MAAYOS NA PAGPAPATUPAD NG OPLAN KALINGA PROGRAM

6 months ago | Metro | 0 comments

By Xai Reyes

Bumuo na ng technical working group (TWG) ang Quezon City local government unit na direktang makikipagtulungan sa national government kaugnay ng implementasyon ng ‘Oplan Kalinga’ at mga kahalintulad na programa.

Sa ilalim ng ‘Oplan Kalinga’ program, gagamitin ang mga hotel at iba pang accommodation establishments bilang isolation at quarantine facilities para sa mga posibleng kumpirmadong COVID-19 patients.

Responsibilidad ng TWG na ayusin ang koordinasyon ng implementasyon ng programa.

Napansin ng lokal na pamahalaan na ang mga indibidwal na mino-monitor ay lumalabas ng mga hotel at bumabalik sa kanilang komunidad dahilan kung kaya’t nagkakaroon ng hawahan at dumarami ang nagkakasakit.

Lumitaw din sa mga isinagawang inspection ng LGU na ilan sa mga hotels na ito ay non-compliant sa health protocols.

Magsisilbing vice chair ng TWG ang Assistant City Administrator for Operations na ang pangunahing tungkulin ay inspeksyonin ang mga hotel sa lungsod.

Trabaho din ng TWG na gumawa ng arrangements para sa security, transportation, food provision, at iba pang essential needs ng mga guest-patients.

Gayundin ang pinal na medical assessment at pag-iisyu ng medical certificate bago ang gagawing “discharged” sa mga hotel.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media