
VALENZUELA LGU, NAGSAGAWA NG LIBRENG SWAB TESTING SA MGA PEDICAB DRIVERS AT MARKET VENDORS
Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang pagasasagawa ng libreng mass testing sa mga miyembro ng Valenzuela Pedicab Operators and Drivers Association o VALPODA.
Ang hakbang ay ginawa upang matukoy ang mga positibo sa COVID-19 upang agad silang ma-isolate at mabigyan ng atensyong medikal upang hindi na kumalat ang virus.
Ayon sa Valenzuela LGU, tinatayang mahigit 3,000 na mga operator at driver ng VALPODA ang isasailalim sa libreng PCR swab testing.
Kabilang rin sa mga isinailalim sa swab test ay mga market vendor at mga residente ng Disiplina Villages na housing project ng Valenzuela LGU.
Sa pinakahuling tala ng lokal na pamahalaan, nasa 75 ang COVID-19 active cases sa lungsod, 7,862 naman ang gumaling na habang nananatili sa 249 ang bilang ng nasawi dahil sa virus.
0 Comments