7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

VOTER REGISTRATION PARA SA 2022 BUBUKSAN MULI SA SEPTEMBER 1

6 months ago | Nation | 0 comments

By Xai Reyes

Bubuksan na ulit ng Commission on Elections simula Setyembre 1 ang voter registration para sa national elections sa 2022.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, aabot ng hanggang 4 na milyon ang inaasahang magpaparehistro simula Setyembre.

Sinabi ni Jimenez na mas mulat ngayon ang publiko sa kahalagahan ng pagpaparehistro para sa halalan.

Iginiit naman ng Comelec na mahigpit na ipatutupad ang health protocol sa pagpaparehistro para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kasama sa mga protocol ang pagpapaiksi ng oras sa pagre-rehistro sa Comelec offices. Bukas lang umano ang pagpapatala mula Martes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Kakailanganin ding magsumite ng mga magpaparehistro ng “coronavirus self-declaration form,” na maaaring ma-download sa Comelec website.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media