7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

WILLIE REVILLAME TINALAKAN SA TV SI MISS MANILA DAHIL HINDI SUMIPOT SA WOWOWIN

3 months ago | Local Entertainment News | 0 comments

By Bong Garabot

Walang prenong tinalakan ng Wowowin host na si Willie Revillame si Miss Manila Alexandra Abdon nitong Lunes, December 14 sa programa nito.

Nangako daw kasi itong maggi-guest sa Wowowin noong Biyernes, December 11, pero wala ni aninong nagpakita sa show nito.

Dapat sana ay makaka-showdown ito ni Harlene “Hipon Girl” Budol pero sa kasamaang palad ay hinfi nakarating ang Miss Universe Philippines 2020 candidate na si Alexandra Abdon.

Naibulalas tuloy ni Willie, “Dapat si Miss Manila guest natin, e, ano raw pala, merong shoot.

“Wala nang ginawa ‘yang mga Miss Universe [contestants] kundi mag-shoot.

“E, sorry, hindi ka na namin magi-guest na, hindi mo kami binigyan ng pagkakataon na makilala at makasama ka.

“Sinabi natin sa kanya nung Friday, ige-guest natin siya.

“E, nag-commit ka. Sayang, dapat ikaw ang co-host ko, Miss Manila.”

Patutsada pa ng TV host, “Isipin mo, isang oras at kalahati ka sa TV, di ba? Sandali ka lang sa Miss Universe, talo ka pa, di ba? Miss Manila, Alex, di ba? Di nag-iisip, e.

Dagdag pa ni Willie,
“Kapag tinawagan ka ng Tutok To Win, Wowowin ng staff namin, kanselin mo lahat.

“Dahil dito, ang exposure mo, 21 million sa social media, 86 million sa telebisyon ang nanonood araw-araw.”

Hindi kasi pinasipot si Miss Universe Philippines 2020 second runner-up Michele Gumabao at Hipon Girl noong araw na iyon dahil buong akala niya ay magiging guest co-host si Miss Manila.

Pero sa episode naman ng Wowowin noong Miyerkules, December 16, sinabi ni RS Francisco kay Willie na nais daw ni Alexandra i-explain ang kanyang panig sa hindi pagsipot sa show.

Tugon ni Willie, “Bibigyan kita ng pagkakataon mo, Miss Manila, Alexandra Abdon.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media